Ang di-pangkaraniwang buwan ng misyon
Sa buong buwan ating ipagdiriwang ang di-pangkaraniwang buwan ng misyon.
Nagsulat si Papa Benedicto XV, ang misyonero papa, ng Liham Apostolikong “Maximum Illud”, noong taong 1919.
Hinamon niya tayo upang ipahayag ang Mabuting Balita sa pamamagitan ng mas pang-ebangiheliko pamamaraan sa misyonero gawain sa mundo.
Ang di-pangkaraniwang buwan ng misyon ay: Isang pastoral na paglalakbay at pagpapanibagong pang-misyon.
Upang ipaalaala na tayo’y mga misyonero. Upang huwag matakot pumili nang mga gawaing pang-misyon na may kakayahang panibaguhin ang lahat.
Upang iwanan ang mga hangganan ng mga bansa at maging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Upang pagtagumpayan ang tukso ng pagiging makasarili at pag-iisip ng kabiguang pastoral.
At upang buksan ang ating sarili sa masasayang Mabuting Balita ng Ebanghelyo. Ang mga dahilan ng misyon:
Ang pagpapahayag ng pag-ibig ni Hesus sa pamamagitan ng pagsaksi ng pamumuhay at mabubuting gawa.
Upang mapaalab muli sa lahat ng Kristiyano, at higit sa lahat sa mga pari, ang kamalayan ng gawaing misyonero Pagpapaala-ala ng utos: “Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng tao” (Mk 16:15)
Ang Simbahan ay likas na misyonero: Ang bokasyon at pagkakakilanlan nito ay ang pagpapahayag ng Ebanghelyo.
Samakatuwid, kailangan ipangako natin ang ating sarili ng buong lakas.
Dahil ang misyon ay modelo ng bawat gawaing pang-ebanghelisasyon.
Layunin ng di-pangkaraniwang buwan ng misyon. Upang mapanatiling buhay ang pangkalahatang kamalayan sa misyon ng Simbahan
Upang dalhin nating lahat sa ating mga puso ang pagpapahayag ng Mabuting Balita
at ang Pagpapanibagong pang-misyon sa ating pamayanan.
At upang lumago ang matinding pagnanais kay Jesus
at ang pagnanasa para sa kanyang bayan.
Paano natin ito maisasabuhay?
sa pamamagitan ng pananalangin
sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita
sa pamamagitan ng Bibliya at teolohikal na misyonerong pagninilay
sa pamamagitan ng Kristiyanong gawaing pagkawanggawa
at pakikipagtulungan at pakikipagkaisa sa mga Simbahan.
- Runtime: 3:15